Saturday, November 26, 2011

to sister Kune

past 12 na nang mabasa ko ang text messages. wala na si Kune. i knew it was impossible for her to survive it anymore after i saw her in the ICU last night. but i still find it hard to believe that she's really gone.

iniisip ko buong araw kung paano kami nagkakilala. san nga ba nagsimula ang lahat? dun yata sa directing workshop ni Sir Nestor Torre. tinawagan niya ko at pinapa-invite daw ako ni Sir Nestor. since pareho kaming taga-QC, sabay kami lagi pumunta kay Sir Nestor in time for our 9am class.

kokonti lang kami sa class. nakahabol pa ko sa directing projects at gumawa pa kami ng short films. nagshoot kami sa La Loma Cemetery. ang saya-saya namin kahit low budget at pangit ang mga ginawa namin. tulungan lang kami sa kanya-kanyang projects. nagshoot pa kami na malapit na rin ang Pasko nun, sa may Makati, sa may parulan.

may project din siya na Parol ang title. gawa na script nun. matagal na niyang gustong gawin. muntik na ngang magawa pero nagback out siya kasi hindi kasya sa budget na binibigay ng nahanap niyang producer.

tinulungan pa namin siya na gawin ang short film niya. si Jorross ang bida. nag-Camiguin na kami nung late 2007. sinamahan niya ko kasi brokenhearted ako nun. ang saya namin kahit dalawa lang kami.


hindi ko na maalala kung kelan at paano nga ba kami naging magkaibigan talaga. siguro it just happened. nagclick lang talaga siguro kami.

nung lumipat siya ng ABS, may gagawin pa sana kaming project nun pero hindi natuloy. until lumipat na ko ng GMA nung early 2009.

nung nagkaroon na ko ng boyfriend, nabawasan na rin yung paglabas-labas namin. pero never naman kami nawalan ng communication. lagi kaming nagcha-chat tapos tawagan sa landline for updates. or nagkikita sa SM. hindi rin naman kami masyado matext. either siya ang tatawag o ako then mahabang usapan na yun.

binalikan ko mga text messages namin. naiinis ako na nawala yung mga lumang messages. baka na-delete ko accidentally habang nagtatanggal ng mga spam messages. ang earliest text message na nandito nung July 7 lang. pero nandito pa sa archive ng YM yung mga chat namin.

tinawagan niya ko sa bahay nung pagbalik niya galing europe, ang saya niya sa travel niya. pero ang sabi niya may lump na visible na sa right breast niya. hindi na niya matago sa mga meetings. ayaw na nga niyang lumabas e. ayaw magpakita. tsaka na raw niya ibibigay yung cheese na pasalubong niya sa 'kin. nagjo-joke pa siya na mamamatay na daw siya. sabi ko hindi pa no. masamang damo ka e. matagal pa buhay mo!

hindi ko alam, yun na pala ang start. 3 months after that conversation, mawawala na pala siya.

konti lang ang kaibigan ko. konti lang ang tinatawagan ko pag gusto ko lumabas o gusto ko mag-rant o gusto ko lang manood ng sine at isa siya dun.

ngayon lang ako namatayan ng close friend. ang huling namatay na mahal ko, yung lola ko. nung 2001 pa yun. pero 10 years after, kaibigan naman. she wanted so much to live. hindi pa siya ready. handa pa siyang lumaban. spiritually strong, but the body is weak.

nung nakita ko siya sa ICU, nagsisi ako na tiningnan ko pa siya kasi ayoko maalala siya na naghihirap ng ganun. naiintindihan ko kung bakit ayaw niyang magpakita kahit kanino up to the end. she loved life so much. ayaw niyang makita siya ng mga kaibigan niya na naghihirap. kaya ayoko rin siyang maalala kung paano ko siya nakita sa ICU. gusto ko maalala sya na masayahin, life of the party, maingay, matapang, kaibigan.






last picture together
hindi kami nakapaghanda. hindi kami ready na mawala ka agad. pero i guess mas okay na hindi ka na nahirapan ng matagal.



the same way na nagsisisi ako na pumasok ako sa ICU, nagsisisi rin ako na hindi kita nakausap dun. hindi ko nasabi na mahal kita.  pero alam mo naman siguro yun. between friends, hindi na yun kailangang sabihin.

4 comments:

  1. mich, 2007 yata tayo nun nag directing workshop. kaya rin tayo naging friends dahil kay kune. pag lumalakad kayo nun, sinasama din nya ako. di ba tayong dalawa pa ang line prod nya dun sa film ni joross? lagi ka niyang kinukwento sa akin. swak na swak daw ugali nyo. lab ka nya as a dear friend.

    ReplyDelete
  2. 4 years pa lang kaming magkaibigan pero parang ang tagal na. lalo naman siguro kayo. di ko ma-imagine pinagdadaanan mo ronald. dahil nga sa kanya dami ko ring naging kaibigang iba e, kasama ka na dun.

    ReplyDelete
  3. :(

    hindi kami close. nagkakilala lang kami noong 2008, dahil nagkasama kami sa show. pero di ko makakalimutan iyong isang beses na ako lang pina-attend sa feedback meeting, tapos after ng meeting, nagtext ako sa lahat ng co-writers ko. si kune lang ang tumawag sa akin para i-comfort ako. doon ko nakita na genuine siyang kind na tao.

    hindi kami close pero sobrang affected ako sa nangyari. pano na kaya yung mga malapit sa kanya. pero nasa mas tahimik at masayang lugar na sya ngayon. mahirap para sa mga naiwan niya to move on pero at least, hindi na siya nahihirapan...

    ReplyDelete
  4. oo nga noreen. yun na lang din ang iniisip ko.

    ReplyDelete