the quiet. being alone. my thoughts. the freedom. the quiet!
you can't have everything you want, can you?
Friday, October 29, 2010
Thursday, October 28, 2010
hassle!
call centers! hindi sila efficient!
aba tanungin ka ba naman kung sino huli mong nakausap. hihingin mo ba talaga yun knowing na iba-iba naman nakakausap mo everytime tumatawag ka sa kanila? at iba-iba yata sila ng records! nawala na lahat ng ebidensiya na nagrequest akong card replacement! grrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr!
tapos kelangan ko pa magfax! magprint then magpaphotocopy then magpa-fax ng documents! ang hassle! may deadline akooooooooooooo!
lesson learned: wag mong sirain ang credit card mo next time. ipatago mo na lang!

Tuesday, October 26, 2010
get a life!
i was about to update my Twitter but then i realized it's been too much effort for me to write there. i end up revising and/or not posting my thoughts anymore. it became a place to chat with my friends. so i deleted it. just like that hahaha.
tama yung nabasa ko nung isang araw sa Inquirer, the world has become a selfish place. we post things about ourselves and we want the world to listen to us. we've become a generation of slacktivists. posting the color of our bra for breast awareness? di ko nga alam na kulay pala ng bra yun e. so ang purpose ba ay ipaalam ang kulay ng bra mo para maging aware ang mga hindi aware (sino kaya yun?) na nagsusuot ng bra ang mga babae. di ko magets yun.
anyway to each his own.
now, it's Twitter. susunod na ang FB. (or maybe i can delete people i don't really know and have never met and just retain my real friends?)
i need to simplify my life and do real things in the real world.

Monday, October 25, 2010
blind item 1
santissimo!
ayos na e. ite-tape na nga. tapos itong artista nag-inarte at di um-attend ng taping. tuloy nagalit si direk, tatanggalin na siya sa show. which means i have to revise all his sequences in my week. ang laki pa naman ng role niya dito! :(
pero ang mas nakakainis, second chance na niya 'to. bakit hindi pa niya ayusin? he can't burn too many bridges. san pa bagsak niya, sa TV5? and besides, he should be rebuilding his name right now, not tarnishing it again.
ambata pa niya. bakit siya nagkakaganito? sana naman hindi na siya nagda-drugs ulit. kung babae man yung problema, naman, hindi yun reason para indiyanin mo ang taping mo! work is work.
gusto ko siyang kausapin at sermunan kasi pinapahirapan niya kami!
---
lakas ng ulan! may kulog pa.
natatakot si setsuko. nagtago siya at pumasok sa loob ng sirang cabinet hahaha!
now she's snuggling beside me in bed, hiding her face in the pillows.
i love her.

Thursday, October 14, 2010
let it be
eto mga naisip ko habang nagde-delaying tactics ako sa pagsusulat:
1. ano kaya mailagay sa twitter ko?
2. sana articulate ako. sana sobra kong opinionated sa kahit anong bagay para di ako nauubusan ng sasabihin.
3. hindi kaya sila naiinis sa kin sa GMA? kasi lagi akong wala sa mga storycon, sa presscon, kahit sa mga parties. pero i can't help it. di ko talaga kayang um-attend sa mga ganun e. sa Kapamilya nga na dami ko nang friends di pa rin ako uma-attend, dito pa na mabibilang sa isang kamay ang kaibigan ko. ang boring ko pa naman pag mga bagong tao kasama ko. pati ako nabo-bore sa sarili ko as in!
4. ang hirap makipagkaibigan pag matanda ka na. pano nga ba ulit makipag-friends?
5. sana ambisyosa ko. parang yung iba, bata pa lang pag tinanong mo gusto na agad maging presidente. ako kasi gusto ko lang nung bata ako maging flight attendant. magandang sosyal na maid sa eroplano, masaya na ko dun.
6. pero ok na sa 'kin na sa ibang tao na lahat ng power to lead, to decide. basta wag lang akong papakialaman sa ginagawa ko. wag sabihin sa kin kung ano gagawin ko. wag akong i-require to attend anything against my will. nanahimik ako dito e. walang pakialaman ok?
7. happy naman ako dito sa Kapuso. dati naiisip ko pang bumalik sa pinanggalingan ko. pero ngayon hindi na. 8th month pa lang pero naa-appreciate ko na ang freedom, ang mga tao na mababait na, magagaling pa. puwede naman palang hindi pahirapan e. puwede namang may social life pa rin kahit nagtatrabaho. puwedeng hindi pahirapan sa pagpapa-approve. puwedeng walang angst ang writer except sa dami ng pagkain sa meeting.
8. puwede naman pala yun Kapamilya!

cramming works best
tuwing magsisimula akong magsulat ng kahit ano, TV o film script nai-insecure ako. nakakatakot kasi baka pangit ang kalabasan. kaya eto, may deadline ako bukas ng treatment hanggang ngayon nasa sequence 1 pa lang ako. pano bukod sa ang daming distractions sa life ngayon, binabaril ko lahat ng maisip ko. may time pa kasi e. tomorrow night pa deadline. pag mga 5pm tomorrow, makakasulat na ko. matatapos ko yun kasi naghahabol ako ng deadline. pangit man, kelangan ko i-submit.
pagkatapos ko magsulat, may amnesia na ko. wala akong naaalala sa sinulat ko hahaha.
---
i miss the smileys in livejournal.
and the music option below every post.
---
Music: Daydreams by Adele

Saturday, October 9, 2010
something new in my life
hay grabe. wala akong magawa.
tamad na ko manood ng Crime & Investigation, Nat Geo o Discovery Channel.
sawa na rin akong maglaro ng Zombie Farm, Scrabble, Poker o kahit mag-Looklet.
i need to do something worthwhile. i want meaning. i need a goal.
---
tama bang magdoubt sa career na 10 years mo na ginagawa?
writer ba talaga ko?
bakit nung pinangalanan ko 'tong blog na 'to hindi man lang pumasok sa isip ko na pangalanan itong eat.write.travel? kanina habang nasa CR ako tsaka ko lang naisip na nawala yun. wala na ba talaga kong passion to write?
i have stories i want to tell. pero walang kagaya ng Magnifico na talagang parang binuntis ko at inanak at iniluwal. tamad lang ba talaga ko o hindi ako inspired?
may kakilala ko na same birthday ko na magaling at sikat na painter.
nung papasok ako ng college gusto ko yung uniform ng Fine Arts na pants at blouse na parang pang-Dunkin' Donut crew. parang sign yun kasi later on magshi-shift sana ko sa Fine Arts pero kelangan ko umulit ng 1 year kaya di ko na ginawa.
kung tinuloy ko kaya, magaling kaya akong painter ngayon? o mediocre lang? sa writing din kaya ang bagsak ko?
i'll never know the answer.
ang magagawa ko na lang ngayon, may gawin! something! i need to join a class, learn something new. discover a new passion...

Friday, October 8, 2010
3rd ko na 'to
yung una bitter.
yung pangalawa mas bitter na pa-hopeful.
eto kung bitter man, sana sweet pa rin haha.

Subscribe to:
Posts (Atom)