hay grabe. wala akong magawa.
tamad na ko manood ng Crime & Investigation, Nat Geo o Discovery Channel.
sawa na rin akong maglaro ng Zombie Farm, Scrabble, Poker o kahit mag-Looklet.
i need to do something worthwhile. i want meaning. i need a goal.
---
tama bang magdoubt sa career na 10 years mo na ginagawa?
writer ba talaga ko?
bakit nung pinangalanan ko 'tong blog na 'to hindi man lang pumasok sa isip ko na pangalanan itong eat.write.travel? kanina habang nasa CR ako tsaka ko lang naisip na nawala yun. wala na ba talaga kong passion to write?
i have stories i want to tell. pero walang kagaya ng Magnifico na talagang parang binuntis ko at inanak at iniluwal. tamad lang ba talaga ko o hindi ako inspired?
may kakilala ko na same birthday ko na magaling at sikat na painter.
nung papasok ako ng college gusto ko yung uniform ng Fine Arts na pants at blouse na parang pang-Dunkin' Donut crew. parang sign yun kasi later on magshi-shift sana ko sa Fine Arts pero kelangan ko umulit ng 1 year kaya di ko na ginawa.
kung tinuloy ko kaya, magaling kaya akong painter ngayon? o mediocre lang? sa writing din kaya ang bagsak ko?
i'll never know the answer.
ang magagawa ko na lang ngayon, may gawin! something! i need to join a class, learn something new. discover a new passion...
try photography again :-)
ReplyDeletemagwoworkshop ako! basic photography para naman totoo na, hindi lang ako hobbyist hehe.
ReplyDeletegusto ko maging food photographer balang araw. kaso naghahanap pa ko ng teacher :(