eto mga naisip ko habang nagde-delaying tactics ako sa pagsusulat:
1. ano kaya mailagay sa twitter ko?
2. sana articulate ako. sana sobra kong opinionated sa kahit anong bagay para di ako nauubusan ng sasabihin.
3. hindi kaya sila naiinis sa kin sa GMA? kasi lagi akong wala sa mga storycon, sa presscon, kahit sa mga parties. pero i can't help it. di ko talaga kayang um-attend sa mga ganun e. sa Kapamilya nga na dami ko nang friends di pa rin ako uma-attend, dito pa na mabibilang sa isang kamay ang kaibigan ko. ang boring ko pa naman pag mga bagong tao kasama ko. pati ako nabo-bore sa sarili ko as in!
4. ang hirap makipagkaibigan pag matanda ka na. pano nga ba ulit makipag-friends?
5. sana ambisyosa ko. parang yung iba, bata pa lang pag tinanong mo gusto na agad maging presidente. ako kasi gusto ko lang nung bata ako maging flight attendant. magandang sosyal na maid sa eroplano, masaya na ko dun.
6. pero ok na sa 'kin na sa ibang tao na lahat ng power to lead, to decide. basta wag lang akong papakialaman sa ginagawa ko. wag sabihin sa kin kung ano gagawin ko. wag akong i-require to attend anything against my will. nanahimik ako dito e. walang pakialaman ok?
7. happy naman ako dito sa Kapuso. dati naiisip ko pang bumalik sa pinanggalingan ko. pero ngayon hindi na. 8th month pa lang pero naa-appreciate ko na ang freedom, ang mga tao na mababait na, magagaling pa. puwede naman palang hindi pahirapan e. puwede namang may social life pa rin kahit nagtatrabaho. puwedeng hindi pahirapan sa pagpapa-approve. puwedeng walang angst ang writer except sa dami ng pagkain sa meeting.
8. puwede naman pala yun Kapamilya!
No comments:
Post a Comment