Monday, July 25, 2011

kung di lang ako maarte...

tamad at mabagal, mayaman na sana ko ngayon. ang choosy ko kasi masyado sa film projects. bakit kasi kelangang maging choosy? ayoko lang talaga magpokpok sa pelikula e. di ko maatim gawin yung ginagawa ko sa TV. i vowed after SS that i would only accept film projects that i really want to do (not because i'm pressured to do it or for money).

ano mga requirements ko?
a. yung wala pang kuwento kasi gusto ko sa 'kin galing ang kuwento. kung germ ok lang basta ako magbubuo at wag na kong pakialaman, puwede?
b.  mabait ang direktor.
c. at magaling.
d. at nirerespeto ko o gustong tulungan. konti lang naman sila e (MJDR, EM <3, JC, EDC, KF o iba pang bagong makikilala)
e. magaling ang artista.

gustong i-revive ng mahal kong direktor yung luma kong script. 2007 pa yata yun at hindi ko na siya gusto. di pa bagay yung kina-cast niyang artista. ayokong gawin kahit puwede kong kumita dun. dine-deadma ko pa siya ngayon. ayoko namang sabihin na gawa na lang kami ulit ng bago kasi iba gusto kong isulat ngayon. yung Japan at para kay master na yun!

meron pang isa. gusto ko yung direktor. mabait, magaling, nirerespeto ko pero naman, si RG ang artista. sigurado ite-text lang ako nun para sa mga suggestions niya sa script. mag-aral kaya muna siya umarte bago siya mag-feeling writer?

hay. minsan nanghihinayang ako sa mga hinihindian kong projects lalo na pag may gusto kong bilhin hahaha. pero pag tinanggap ko naman, alam ko i'll just end up resigning and not finishing the project.

pag talaga nasanay ka nang humindi, madali nang gawin.

hopefully ang susunod na hihindian ko, TV work na!

---

kenshin nakamura. magandang screen name sa writer na tinipid 'no?

No comments:

Post a Comment