this is our last chat transcript :(
Michiko: huy!!
kunessa: HUY
Michiko: punta tayo bora!
kunessa: I cant, not this year.
Michiko: musta ka na?
kunessa: okay lang. nakasama ng bonggang bongga iyung pagbuhat at paghila hila ko ng bagahe sa Europe
Michiko: talaga?
kunessa: pero okay naman.unlike before hilo hilo pa ko...pero di na ngayon
Michiko: ano nangyari sa lump? nawala na ba?
kunessa: hindi pa. may iniinom ako. tignan natin after 1 more month
kunessa: pero nagpacheck ako ng HCG, iyung sa cancer test, tumaas ng .4. di naman alarming
kunessa: magkikita pa tayo at maaabot ko pa ang pasalubong ko sa u
Michiko: ano ka ba!!!
kunessa: <lol icon>
Michiko: wag ka maggive up
Michiko: dapat fight fight fight
Michiko: ganyan ka naman dati di ba kaya nawala
Michiko: wag ka sumuko
kunessa: di naman. ang ganda ng takbo ng lahat kaya fight!
kunessa: oo naman.
kunessa: kaya ipagdasal mo ko. wag sa Universe ha?
Michiko: e saan pa?
Michiko: hahaha
kunessa: <lol icon>
Michiko: san ka bukas?
kunessa: Pagdating sa kin, tigilan iyang Universe universe na iyan. Special ako kaya sa Diyos mo ko ipagdasal
Michiko: di nga ako nagdadasal kahit sa universe
kunessa: baka dito lang, magsusulat
Michiko: so special ka pag nagdasal ako sa universe
kunessa: lintek na Universe na iyan!
kunessa: kay God nga!
kunessa: ano, go ka dito? punta ka na lang dito. dalawin mo naman ate mo
Michiko: gusto ko mamili ng mga gagamitin ko para sa gagawin kong recycled products k
Michiko: ek
Michiko: gusto ko gumawa ng mga ganun pag wala ako ginagawa
kunessa: san ka?
Michiko: tapos ibebenta ko online
Michiko: nandito sa bahay. bukas plano ko magpunta sa handyman
kunessa: magsusulat ako baka until after lunch pag sinipag
Michiko: tapos?
Michiko: sali ka sa business ko?
Michiko: wehehe wala pa nga e
kunessa: pag tapos ako, baka puwede ako lumarga wag lang malayo.
Michiko: sa trinoma may handyman di ba?
kunessa: pass muna ako sa mga business. pag totally healed na ko
Michiko: ay sige
kunessa: sa Trinoma meron
Michiko: e baka mapagod ka naman
kunessa: wag lang masyado matagal.
Michiko: naku wag na kaya
kunessa: test text tayo bukas. baka puwede ako
Michiko: puntahan na lang kita sa bahay pagtapos
kunessa: mas okay. tho di naman ako lumpo...nakaka-attend ako ng mtgs at seminars sa ABS
Michiko: hahaha
Michiko: sige text mo ko kung makasunod ka sa trinoma
Michiko: may craft store ba dun?
Michiko: yung mga beads beads?
Michiko: baka lumipat ako ng sm kung wala e
Michiko: sm muna
Michiko: at least me handyman din dun
kunessa: sa SM north yata meron ng beads
Michiko: bibili ako ng panggutsilyo
Michiko: ayoko na magsulat
kunessa: ok lang dn. basta text text tayo. ano tantya mo oras?
kunessa: ayaw mo na talaga?hahaha
Michiko: sana magising ako ng maaga. mga 1pm hehe
Michiko: gusto ko na ng iba. wala nang challenge ang tv writing
kunessa: ako maaga, may yaya na ko ng 8am-12n
Michiko: wala rin gano fulfillment
Michiko: talaga? sino yaya mo
Michiko: nagpapaluto ka?
Michiko: buti naman
kunessa: .bago lang pero okay. may taga-prepare ako ng food, tagalinis, tagalaba etc
kunessa: siya, watch muna ako TV
kunessa: tumayo lang ako nung makita kita online
Michiko: o sige
kunessa: watch ka NASAAN KA, ELISA, ha
Michiko: text mo ko bukas
kunessa: <lol icon>
Michiko: di ako nanonood kahit ng show ko!
Michiko: nasan nga ba siya?
kunessa: siya ang bago kong yaya!
Michiko: ah kaya pala nawawala
Michiko: sige nood ka na
kunessa: korek
kunessa: siya bukas na lang
kunessa: seeurs
Michiko: babu
kunessa: <bye icon>
hindi siya nakasunod nun sa Trinoma. hindi kami nagkita. hindi ko rin siya napuntahan sa bahay kasi ginabi na ko. sana pala nakita ko pa siya nun. after this chat, ang sumunod na mga YM message ko, hinahanap ko siya pero wala nang sagot si Kune. nung nagtext ako sabi niya hindi na siya masyado nag-oonline. tsaka na raw siya chichika. eventually nga nagleave na sa work at nagpunta na ng Pampanga.
before that, nagpaplano pa kaming bisitahin si Ronald sa Taiwan. at after ng trip niya sa Europe, gusto pa niya bumalik. sa ibang lugar naman sa Europe. Sa Greece at Spain. gusto rin niyang pumunta sa fishing villages sa France.
pareho kaming busy this year dahil sa TV. wala kaming gaanong time sa isa't isa. nakakalungkot. all because of TV and Zombadings? are they worth it? no.
cliche lessons: make time for your loved ones. kahit gaano ka pa ka-busy. hindi mo alam kung kelan sila mawawala sa 'yo. treasure your moments together. always ask them how they are. always make them feel that you love them. sa mga taong may sariling mundo gaya ko mahirap 'to. but i have to make an effort from now on.
---
i can't write. pero naririnig ko na sasabihin ni kune. sasabihin nun, "magsulat ka na. kailangan mo yang pera dahil magastos ka! sige na. sulat na tayo."
No comments:
Post a Comment