ang galing ko mamirata!
nagdownload ako ng Rosetta Stone for Mac. dati nadownload ko na yun sa luma kong mac pero hindi ko napa-work e. Japanese language din yata yung dinownload ko nun na language.
pero this time, nagwork! yes! the best!
it's nice kasi gamit niya yung language mismo na aaralin mo para ituro yun sa 'yo. tapos may mga kasamang images para ma-associate mo yung words dun. kelangan mo rin makuha yung correct pronunciation ng words. medyo yun ang mahirap kasi kelangan sakto. hindi siya magmu-move sa next exercise hanggang di mo nakukuha. pero puwede naman mandaya at magclick ng NEXT hehehe.
wala siyang instructions. basta a-appear na lang sa screen mo. bahala ka na sa buhay mong intindihin hehehe.
dapat lang mag-isa ka habang nag-aaral nito. ang ingay ko kanina e hahaha. paulit-ulit pa ko parang sirang plaka.
onanohito onanohito onanohito...
hindi ko makuha yung accent ng 'hi' na parang tunog 'shi' na hindi naman
anyway, i was able to add Japanese 1. sana tanggapin up to Japanese 3 kasi sabi ng ibang forums, hanggang Japanese 2 lang ina-add ng mga pirated torrents hehehe.
i love piracy! di ko na kailangan bumili ng Rosetta Stone sa Amazon! knowledge should be free and not cost anyone $479!
No comments:
Post a Comment